Manila

Philippines

Space Apps Manila was held on October 19th, 20th & 21st. Thank you to the 58 people who joined the International Space Apps Challenge at this location. The local results, including the work of 16 teams, can be found below!
Thanks Manila!

Judging #SpaceApps #SpaceAppsPH

Posted by NASA Space Apps Philippines on Saturday, October 20, 2018

Tara na at sumali sa pinakamalaki at pinakamasayang hackathon sa sangkalawakan! Makibahagi sa paglutas ng mga hamon na ikinakaharap natin sa mundong ito at sa kalawakan gamit ang makabagong teknolohiya at agham.

space1.png

Isang Pandaigdigang Samahan

Ang Space Apps ay isang pandaigdigang hackathon na ginaganap 48 oras sa mga dako ng buong mundo. Dahil sa mga mamamayang tulad mo, patuloy tayong dumarami bawat taon. Kung hindi mo pa nagagawa, sali na upang makapagbahagi ng mga kaalaman at gamitin ang malayang data upang tugunan ang mga makatotohanang suliranin, sa mundo at kalawakan. Makisama sa kapwa upang malutas ang mga hamon na makatutulong na baguhin ang mundo.

Kailangan ng mundo ang kaalaman mo

Katuwang ang Open Government Partnership, taon-taong ginaganap ang Space Apps na dinarayo ng mga mamamayan anuman ang kanilang pinanggalingan o kakayahan. Ang Space Apps ay iba sa inaakala mo... hindi lang ito basta tungkol sa apps! Harapin ang hamon gamit ang robotics, pagbibigay-anyo sa data, hardware, disenyo at marami pang iba! Pukawin ang bawat isa habang ikaw ay natututo at lumikha gamit ang mga kuwento, code, disenyo at, higit sa lahat, IYONG mga kaalamanan. Ipakita sa lahat kung paano mo lulutasin ang mga suliranin at ibahagi ang iyong karunungan sa mundo!

rizal.jpg

Ano ba ang International Space Apps Challenge ng NASA?

Ang Space Apps ay isang pandaigdigang hackathon na ginaganap 48 oras sa mga dako ng buong mundo. Nagkakatipon-tipon ang mga coder, siyentipiko, taga-disenyo, tagapagsalaysay, maker, tagabuo, technologist, at sa lahat ng masigasig sa kaalaman upang harapin ang mga hamon na kinakaharap natin sa mundo at kalawakan!

Ngayon, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng kapana-panabik, bayanihang pananaliksik sa agham, habang pinagsasama natin ang NASA data at mga tagapaglutas ng mga suliranin sa buong mundo. Sali na sa Oktubre 19-21 para sa 2018 International Space Apps Challenge, na may mga hamon upang mas maunawaan natin ang Daigdig at Kalawakan!

Pinakamalaki ang hackathon nakaraang taon, na may 187 ginaganap at higit sa 25,000 kataong nakilahok mula sa anim na lupalop ng mundo. Nananabik kaming ipagpatuloy ang tradisyon sa pag-aanyaya ng mga mag-aaral at propesyonal, mga nag-uumpisa at sanay na mula sa lahat ng sulok ng mundo upang dumalo.

dlsu-banner-1[1].jpg

Ang mga hamon

Makakagawa ka ba ng...

Gumagawa ang mga tao ng iba't-ibang mga bagay upang itaguyod ang pamumuhay sa mundong ito, at galugarin ang kalawakan! Nagpapatayo tayo ng mga gusali, sasakyang panghimpapawid, kotse at rocket, computer, satellite, tahanan, at kung anu-ano pa. Kung may makakapag-isip nito, o kung may mangailangan man nito, baka may makagagawa rin nito - ngayon man o sa hinaharap. Itinatagubilin sa hamong ito ang paggamit ng NASA data upang malikhaing malutas ang mga suliranin at ipakita kung paano mo magagawa ang iba't-ibang mga bagay, mula sa mga gusali, sa mga katulong na robot, sa mga kagamitan para sa agham pangmamamayan - kahit ano, puwede!

Tulungan ang iba na tuklasin ang mundo

Mahalaga sa pamumuhay sa mundong ito ang pag-unawa sa larangan ng agham. Halimbawa: Paano gumagalaw ang tubig? Paano ba gumagana ang ating kahanginan? Bakit mahalaga ang yelo at niyebe? Sa totoo lang, ano ba talaga ang dumi? Ang mundo ay binubuo ng mga hindi maipaliwanang na mga bagay-bagay - lupa, tubig, hangin, mga bagay na may buhay, at ang planeta mismo - at ang pag-unawa hinggil sa mga bagay na ito ay mahalaga. Itinatagubilin sa hamong ito ang paggawa ng anuman gamit ang NASA data - isang kuwento, isang laro, isang video, o iba pang sagot - na tumutulong ang mga taong tuklasin kung paano gumagana ang Daigdig.

Mga bulkan, malalaking yelo, at asteroid (ay nako)

Puno ng kababalaghan ang ating planeta at sistemang solar - ang mga maaayos, at ang mga matitindi. Ang mga maayos ay ating nakikitang tumutulong sa atin, tulad ng pagpuno ng isang pinakahihintay na unos sa isang lawa o pilapil. Tinatawag natin sa mga matitindi ay mga "sakuna" - tulad ng pagkakaroon ng mapaminsalang baha galing sa nasabing unos. Parehong kinalalabasan nito ay ang 1) pagkaapekto nito sa atin; at 2) pagkasidhi nating malaman agad kung kailan ito darating, at kung maaari, agad makapaghanda tayo. Itinatagubilin sa hamong ito na suriin ang NASA data upang makatulong na maghanda, masubaybayan, at makabangon mula sa (o sa mas makabuluhang paggamit ng!) di-inaasahang pangyayari.

Ang pangangailangan ng mundo ngayon ay...

Maraming kailangan ng mga tagalupa: pagkain, tubig, malinis na hangin, tirahan, at iba pa - mahaba at samu't-sari ang talaan. Ano kaya ang mga bagay na iyon? Paano kaya napananatili at mapabubuti ang pamumuhay sa mundong ito para sa lahat ng mga nananahan? At paano kaya ito gagawin, kung sakali, na magawa pa sa ibang mga planeta? Itinatagubilin sa hamong ito na tugunan ang mga suliranin na nakaaapekto sa mga katangi-tanging aspeto ng buhay sa mundong ito (o sa iba pa!), at malikhaing mabigyang-kahulugan ang data at kaalaman ng NASA upang makatulong na makahanap ng mga sagot.

Isang nakapaninigas na paningin

Lungtian, bughaw, kulay abo, at puti: maraming nagaganap sa mga pole ng mundo, at sa mga matataas na bulubundukin kung saan maginaw. Mahalaga itong bahagi ng mundo; ang nangyayari roon ay hindi lamang nakaaapekto sa mga pole at matataas na lugar kasama ng mga nananahain dito, samakatuwid ang buong planeta. Mula sa mga kapatagan at bulubunduking yelo, hanggang sa mga ice cap, naninigas na kalupaan, at mga karagatan, pabago-bago ang mga malalamig na dako sa Daigdig. Itinatagubilin sa hamong ito na gamitin ang NASA data upang mas maunawaan, masubaybayan at mabigyang-kahulugan ang kayelohan ng Daigdig. (ay, may isa pa: may iba pang mga planeta na may kayelohan rin!)

Isang kariktan at kamangha-manghang sansinukob

Minsan mahirap lahat ito unawain: Punong-puno ng mga kamangha-manghang bagay ang ating kalawakan. Ang pagsusuri sa mga bituin, mga galaxy, at mga planeta ay maraming masasabi sa atin tungkol sa Sansinukob - at ang pagtingin natin sa Sansinukob ay maraming masasabi tungkol sa atin. Mayroong pang puwang para sa parehong pagsusuri at pagpapahalaga sa lubos na kariktan ng sangkalahatan, na sinumang tumanaw sa mga bulalakaw ng gabing kalangitan ay kayang magpatotoo. Mula sa ating kinaroroonan dito sa Daigdig, mula sa himpilang pangkalawakan ng International Space Station, at mula sa mga teleskopyo, satellite, at gawain ng NASA upang galugarin ang sistemang solar, marami masyado tayong natututunan - at mayroong pang higit na matututunan at matutuklasan. Inaanyayahan ka sa hamong ito na pag-isipang mabuti at maging malikhain hinggil sa agham pangkalawakan at pagsasaliksik, bagama't ang iyong pananaw ay pang-siyentipiko, pang-teknolohikal, pang-sining - o isabay mo pa ang tatlo!

logo pilipinas.png

Collaborators

  • Embassy of the United States of America to the Philippines
  • De La Salle University
  • PLDT Enterprise Core Business Solutions
  • DOST-Advanced Science and Technology Institute
  • PHL-Microsat
  • DLSU Animo Labs Foundation, Inc.
  • Amazon Web Services, Inc.
  • IdeaSpace Foundation, Inc.

Schedule (All times Asia/Manila)

Friday, October 19th
  1. Registration

  2. Philippine and American national anthems

  3. Opening remarks

    Dr. Raymond Girard Tan

    Vice Chancellor for Research and Innovation

    De La Salle University

  4. Welcome Remarks

    Philip Roskamp

    Counselor for Public Affairs

    Embassy of the United States of America to the Philippines

  5. Virtual Talk with NASA Space Apps Mainstage

    Dr. Patricia Jacobberger

    NASA Headquarters, DC

    Michael Carroll and Toni Eberhart

    Urban Engine

    U.S. Space and Rocket Center

    Huntsville, AL

  6. Virtual Panel with U.S. Experts

    Keys to Earth’s Survival: Clean Air

    Dr. Anondo Mukherjee

    U.S. Embassy Science Fellow

    University of Colorado Boulder

    Water and sanitation in the 21st century

    Sarah Marie Hartman

    U.S. Fulbright Fellow

    University of Delaware

  7. Keynote

    Dr. Joel Joseph S. Marciano, Jr.

    Acting Director

    Advanced Science and Technology Institute

    Department of Science and Technology

    Dr. Marc Caesar R. Talampas

    Program Leader

    PHL-Microsat

  8. Lunch

  9. Data Bootcamp Stardust Stations

    Orbit Cycle 1

  10. Data Bootcamp Stardust Stations

    Orbit Cycle 2

  11. Data Bootcamp Stardust Stations

    Orbit Cycle 3

  12. Oxygen Refill Break

    Free Orbiting

  13. 2017 NASA Space Apps Successful Earth and Space Journey

  14. Wrap-Up

    Reminders and Instructions

    Safety Orientation

  15. Space Apps Kickoff + Networking

Saturday, October 20th
  1. Registration

  2. Introduction

  3. Begin developing

  4. Lunch

  5. Project Pitching Workshop and Exercise

    Ryan Madrid and Malcolm Flores with

    Pamela Mejia OR Hamilcar Chanjueco

  6. Developing continued

  7. Dinner break

  8. Curfew announcements

  9. Lock Down

    Entering and leaving De La Salle University after 10:00 PM is prohibited.

Sunday, October 21st
  1. Doors open

    Entering and leaving De La Salle University before 7:00 AM is prohibited.

  2. All in

    All participants should be present before 9:00 AM or else disqualified.

  3. Submission Deadline

  4. Lunch break

  5. Presentations

  6. Important announcements

  7. Awards

  8. Closing remarks

  9. Post event socials and networking

Manila Teams

NASA Logo

SpaceApps is a NASA incubator innovation program.